Random Thoughts

Anything under the sun

I AM NOW SIGNING OFF! HANGGANG SA UULITIN!

Leave a comment


Sa lahat ng mga Isko at Iska, kaklase, kapartido, di kapartido, kabarkada at kasama sa paglilingkod, isang mapula at nasyonalistang pagbati sa inyong lahat!

Isang malaking pribilehiyo para sa’kin at ni Te Liezyl na maglingkod bilang inyong 1st Year Representatives at bilang inyong mga Kosehal sa Unibersidad ng Pilipinas sa Kabisayaan-Cebu Student Council para sa taong ito. Hindi ko po talaga inasahan na ako, bagong salta sa Cebu at sa Unibersidad na ito, ay bibigyan ng inyong buung-buong tiwala na magserbisyo sa inyo at dalhin ang inyong boses sa Konseho.

Ang buhay bilang isang lider-estudyante lalung-lalo na sa Konseho sa UP Cebu ay hindi kasing dali sa buhay lider-estudyante sa hayskul at sa elementarya kung saan halos lahat ng mga proyekto ay sinusuportahan at may aprub ng mga guro at opsiyales ng paaralan. Kahit sa pagtatanggol sa mga karapatan ng kapwa estudyante tulad ng mga na-Bracket A sa STFAP na di naman sila deserving ma-Bracket A, makakalaban mo pa ang mga kinakatakutang tao sa Unibersidad. Dagdag pa nito, kinakailangan pang pawisan ka nang hustung-husto at magkaroon ng pananakit sa katawan upang buhatin ang mga silya at mesa mula UP Grounds papuntang AS pagkatapos ng Cook-out; malipasan ng gutom dahil may kailangan pang tapusing mga statements hinggil sa mga isyu; at higit sa lahat, ang mabagsak sa exams dahil hindi ka nakapag-aral kasi mas inuna mo pa ang magpadala ng mga liham sa mga kongresista, senatoriables, vice-presidentiables and presidentiables na naghihikayat sa kanila na sumuporta sa kampanya laban sa UP Cebu High School phase out. Ang mga ito’y naranasan ko subalit ako’y nagagalak naman hindi dahil sa sinagot ng isang kongresista ang aking liham (and he sent letter to the Dean) kundi kapalit ng aking mga sakripisyo ay ang kasiyahan ng mga nakakarami.

Minsan nga, dahil sa mga pagsubok at mga kahirapang ito, I have felt of giving up my service to the students through the Student Council pero ang pamilya kong partido – ang NAGKAHIUSANG KUSOG SA MGA ESTUDYANTE – ang siyang tumayo sa aking likuran upang suportahan ang nanghihina kong katawang gustung-gusto nang sumuko. Ani nila, marami raw ang nangangailangan ng aking tulong. To NKE, I say thank you! To the UP Cebu Community, I also say THANK YOU!

Recently, notes have been circulating in Facebook attacking me, Te Liezyl, and the UPVCC Student Council as non-functional. Totoo pong marami po kaming hindi napatupad na mga general programs of action na aming iprinesenta sa inyo noong kasagsagan ng aming kampanya. Ito po’y dahil sa iba’t-ibang mga salik (factor) tulad ng pagtutol ng Administrasyon. But for this, WE APOLOGIZE. Pero hindi po ba’t ang mga GPOA na iyon ay di lamang galing sa amin kundi nagmula sa inyo kung kaya’t NAGKASUNDO TAYO NA MAGBUKLOD AT MAGKAISA UPANG MAKAMIT ANG ATING MGA GPOA – 2nd Gate Re-opening (ayon kay Mr. Al Shariff, ito’y mabubuksan na next sem); CR for All; Renovation of Catwalk; Support KABATAAN PARTYLIST; at iba pa. Dahil dito’y kami po ay nagpapasalamat sa mga ISKO AT ISKA’ng SUMAMA SA AMIN AT NAKIISA UPANG MATAMO AT MABIGYANG SOLUSYON ANG ATING MGA PROBLEMA SA UNIBERSIDAD at sa mga hindi sumama at walang nagawa kundi mang-atake sa mga opisyal sa SC, marami rin pong salamat pagka’t kami po ay natuto.

Moreover, with all of these, I am thanking the Student Council, NKE and the UP Community for teaching me how to be strong and be ready for genuine service for the upcoming years. Naramdaman ko rin sa SC ang pagiging ONE BIG FAMILY na punung-puno ng KASIYAHAN, KULITAN, AT TAWANAN habang NAGSESERBISYO despite our political differences. It is also through SC that I’ve learned the MAIN PURPOSE OF EXISTENCE OF A STUDENT COUNCIL – to FIGHT FOR STUDENTS’ RIGHTS aside from organizing activities. The Student Council has served as one of my families in life.

Sa ibang dako, maligayang bati po sa ating mga bagong halal na mga opisyal para sa ating konseho lalung-lalo na sa ating mga bagong 2nd Year Representatives. Sa inyo, aming mga konsehal, inaasahan po namin kayo’y maglilingkod nang tunay, lumalaban para sa mga ating inaapakang karapatan. PERO MENSAHE KO RIN PO SA LAHAT, TULUNGAN DIN PO NATIN ANG ATING KONSEHO NA MAKAMIT ANG MGA NAKABUBUTING PLANO PARA SA ATIN. LET US REMEMBER THAT ONLY WE CAN LIBERATE OURSELVES FROM THE PROBLEMS AND REPRESSIONS WE ARE ENCOUNTERING.

Datapwa’t kahit wala na po ako sa konseho, asahan niyo pong hindi ako hihinto sa paseserbisyo sa inyo at pagtatanggol sa ating mga konstitusyonal na karapatan bilang mga estudyante at higit sa lahat, bilang mga ISKOLAR ng BAYAN.

Muli, ito po si Kristian Jacob Abad Lora, kasama si Liezyl Ann Gomez, ang inyong outgoing 1st Year Representative and SC Councilor for AY 2009-2010, nagsasabing MARAMI PONG SALAMAT SA LAHAT-LAHAT AT HANGGANG SA UULITIN!!! I AM NOW STEPPING DOWN, GOD BLESS!


IPAGPATULOY…
PROTECT OUR DEMOCRATIC RIGHTS!
FIGHT FOR HIGHER STATE SUBSIDY!
UPHOLD OUR RIGHT TO REPRESENTATION!
DEFEND OUR FREEDOM OF EXPRESSION!
SERVE THE PEOPLE, THE MASSES!
LET US NOT GIVE UP THE FIGHT!

ASSERT OUR RIGHT TO EDUCATION AND OTHER STUDENTS’ RIGHTS & DEMANDS!

ISKOLAR NG BAYAN, IPAGPATULOY NATIN ANG LABAN! PADAYON!

Advertisements

Author: pchan_august

Juris Doctor (Law) Graduate. Iskolar ng Bayan. Activist. Environmentalist. Frustrated Singer, Poet and Writer. Computer Enthusiast. Servant of the Masses. God's Servant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s