Random Thoughts

Anything under the sun

Mga Iskolar ng Bayan, Muli Tayong Lumaban!

Leave a comment


This is the manuscript of the message delivered originally in Cebuano-English by Kristian Jacob Abad Lora on behalf of the Nagkahiusang Kusog sa Estudyante as a solidarity message to the Movement for Democratic UP Alliance during the launching of UP Agenda 2010 at the UP Cebu Oblation Square, September 17. Some parts of this message might have not been delivered.

 

In times when the leader fails to keep his people on the daang matuwid, it is the duty of the people to remind him to bring them back on track.

 

Isang mapulang pagbati sa inyong lahat, mga Iskolar ng Bayan!

Meron na naman tayong mga problemang hinaharap bilang mga Iskolar ng Bayan. At isa nito ay ang 437M Budget Cut to State Universities and Colleges proposal ng bagong Administrasyong Noynoy para sa taong 2011. Ang problemang ito ang siyang pinag-ugatan ng 1.39B Budget Cut proposal ng kanyang administrasyon para sa Unibersidad ng Pilipinas para sa taong 2011.

Kasabay nito ang wala na namang plano ng gubyerno na bigyan tayo ng pondo para sa ating Capital Outlay o yaong pondong ginagamit para makapagtayo ng mga bagong silid-aralan at iba pang mga kailangang imprastraktura. Pati ang pondo para sa ating Maintenance and Other Operating Expenses na ginagamit para bayaran ang ating energy, water consumptions at iba pa na kailangan for the operation of the University ay plinanong kaltasan din.

Subalit, napaka-unfair naman na sa planong pagkaltas ng badyet para sa higher education ay plinanong dagdagan pa lalo ang badyet para sa militar at pork barrel na siyang kadalasang pinagkukunan ng pondo para sa kurapsyon.

Dahil sa 1.39B Budget Cut proposal na ito’y mabibigyan na naman ng dahilan ang administrasyon ng UP na itaas pa ang matrikula (tuition) ng mga Iskolar ng Bayan. Isang malaking posibilidad na muling mangyari ang naganap na 300% Tuition and Other Fees Increase (TOFI) noon taong 2006. Kung hindi man ang matrikula’y mabibigyan din ng dahilan ang administrayon ng UP na mag-impose ng mga dagdag bayarin o fees gaya na lamang ng mga laboratory fees o baka yaong cellphone/laptop charging fee. Higit sa lahat ng mga implikasyong ito’y nakikita talaga na ang daang tinatahak ng Unibersidad ay ang daan patungong privitization o yaong pagiging pribado habang patuloy na binibitawan ng estado ang kanyang responsibilidad sa UP at sa iba pang State Universities and Colleges na mandato ng Saligang Batas.

Kasabay rin ng mga suliraning ito, mga Iskolar ng Bayan, ay ang malapit na pagpapalit ng administrasyon ng Unibersidad habang papalapit na ang pagtatapos ng termino ni Pang. Emerlinda Roman.

Kung kaya’t sa paglunsad ng UP Agenda na ito na siyang pinagsama-samang demanda ng mga Iskolar ng Bayan sa lahat ng mga unit ng Unibersidad mula Baguio hanggang Mindanao na ipinepresenta sa mga UP Presidentiables at iprepresenta sa kung sinumang mahahalal na bagong pangulo ng Unibersidad, sana ang magiging bagong administrasyon ng UP ay sasama’t susuporta sa ating pagkilos para sa ating mga karapatan at paglaban sa mga anti-student policies.

We, from the Nagkahiusang Kusog sa mga Estudyante, envisioning for a nationalist, scientific, and mass-oriented Philippine education, express our unity for this cause and as we join this cause, we are encouraging other organizations to join the alliance and uphold the UP Agenda.

Let us work hand-in-hand in the alliance in protecting the public character of the University of the Philippines – being the University of the People, run by the People, for the People.

Let us now end the culture of apathy that breeds injustices to the students and the people. Let us find time to know and to study the campus and social issues. Let us find time to educate other students and other people regarding these issues so that we could organize ourselves and act collectively to address these issues kasama ang iba’t-ibang sektor sa Unibersidad at sa lipunan.

Mga Iskolar ng Bayan, the road of our struggle is quite long and on this road, maaaring tayo’y mahihirapan, maaaring tayo’y matumba. Pero ang mga Iskolar ng Bayan ay kilala sa pagiging palaban, sa pagiging Fighting Maroons. Sana’y sa haba ng ating lalakbayin ay hindi tayo susuko. Huwag tayong magpadala sa mga iba’t-ibang pagsubok. At higit sa lahat, huwag tayong mawalan ng pag-asa.

 

And let us mark this day as the beginning of our revived united struggle as we cry, “Iskolar ng Bayan, ngayon ay lumalaban!” (students chanted) Padayon!

Advertisements

Author: pchan_august

Juris Doctor (Law) Graduate. Iskolar ng Bayan. Activist. Environmentalist. Frustrated Singer, Poet and Writer. Computer Enthusiast. Servant of the Masses. God's Servant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s