Random Thoughts

Anything under the sun

Nang Dahil sa Party Pilipinas sa Cebu

Leave a comment


Ang Pilipinas at ang mga Pilipino sa Kalahating Araw na Pagsulyap

 

Hours from now, I’ll be going back to my home-province (http://www.facebook.com/note.php?note_id=415846329793) for Summer Vacation. Kung kaya’t sinagad ko na ang buong araw na ito para makapag-pasyal at makapagpahinga.

 

My dormates and I had an outing/overnight at Spring Park, Lutopan, Toledo City, Cebu yesterday. Nevertheless, I left the place earlier  because, supposedly, I would be attending a training with the new set of UP Cebu Student Council officers kaso it was postponed. Dahil nito, tumuloy na lang ako sa balak kong manood ng Party Pilipinas.

***

Ang galing-galing talaga ni Jaya at ni Janno. Tapos, kinanta ni Gloc 9 ang bagong awitin niya – “Wala nang Natira”. Hindi ko rin inakalang magaling ding umawit si Elmo Magalona; akala ko kasi, rap lang talaga yung kaya niya. Most of all, napakaganda talaga ni Julieanne San Jose.

Kaso nga lang di ko masyadong makita yung kagandahan ni Julieanne dahil napakagulo ng mga tao. Nasa likuran ako dahil ayokong makipagsiksikan. Magulo dahil panay tungtong sa anumang bagay na mapagtungtungan ang mga tao para makita ang mga artista. May mga payong din kasing nakabukas kaya’t sigawan ang mga tao upang sawayin ang mga may-ari. In short, walang disiplina ang mga tao. Dahil nito’y nasabi ko bigla sa sarili ko, “Isang dahilan talaga kung bakit di umaasenso yung Pinas dahil di disiplinado ang mga tao tapos talamak talaga ang kumpetisyon at indibidwalismo.

Sa kabila nito, may ibang mahalagang napansin ako. Habang nagkakagulo sa likod ay panay enjoy naman yung mga mayayamang taong nasa unahan. Nagreflect tuloy sa isipan ko ang bigger picture – ang lipunan. Iilan lang din kasing nag-eenjoy sa kayamanan ng bansa; tuloy, kaunti na lang ang natira sa iba na pinag-aawayan at pinag-aagawan naman nila kung kaya’t may awayan, dayaan, at patayan.

***

Di ako nagtagal sa Party Pilipinas dahil marami pa akong gagawing preparations sa pag-uwi ko for the vacation. Isa na rito iyong pagbili ng tugon ni Nanay sa Ayala.

While on my way, habang nakasakay sa dyip, tatlong binata ang biglang pumasok sa dyip at yung isa, tumabi sa’kin. Umiwas ako siyempre dahil natakot ako, baka may dalang patalim. Tapos, nagpaalam silang kakanta sila. Bago yung kanta, but more than this, it caught my attention. Eh kasi, yung kanta, sa point of view kung baga ng kumakanta na “nagtataka kung bakit sa pagkayod nila’y di pa rin sila nakaka-ahon mula sa kahirapan.”

Matapos silang kumanta, request ng isa na sana raw, pagbaba nila’y hindi namin sila i-backstab. Sabi ko naman sa isa na nakatabi ko, tama rin lang naman ang mensahe ng kanta niyo. Gusto ko ngang ipaliwanag sa kanya kung bakit naghihirap ang halos 75% ng mga Pilipino kaso aabutin kami nang 1-2 oras.

Natuwa ako’t naisipan kong pasalihin sila sa Karatula-Cebu Chapter (isang progresibong cultural organization). Kasama rin ng tuwa iyong feeling ng pagiging inspired na ipagpapatuloy ang parlyamentong pakikibaka tungo sa pagkakapantay-pantay, nasyonalismo at demokrasya.

***

Nang matapos kong i-accomplish ang tugon ni Nanay, nagpahinga muna ako’t nagpalipas ng oras bago tumungo sa Unibersidad ng San Carlos-Talamban upang magsimba kasama si Ate.

Bago bumiyahe, I stopped by National Bookstore to consume yung natitirang 30 minutes ko. Napapunta ako sa Filipiniana section at nakita ko ang mga akda nina Prof. Rolando Tolentino at Prof. Michael Andrada gaya ng “Laglag Panty, Laglag Brief” at “Sipat Kultura”.

Subalit, napahanga ako nang makita ko ang “Mondo Marcos“. Kaka-promote lang nito nina Prof. Tolentino sa Facebook last year at ngayon, nasa harapan ko na. Siyempre, I grabbed the chance to read it. It’s a compilation of the writings of Marcos babies o yung mga lumaki sa kapanahunan ng diktatorya ni Pang. Marcos gaya nina Prof. Tolentino, Prof. Andrada, Mr. Frank Cimatu, at Ms. Joi Barros.

Nang binasa ko ang Table of Contents, na-catch ang attention ko sa sanaysay ni Prof. Tolentino na pinamagatang “Ang Ikinabuti ng Batas Militar” (?). Binanggit nito ang “pasismo” na ginagawa raw ang mga tao na mukhang mga manlalaro ng mga game show at yung kumpetisyon ay sa isa’t-isa at hindi sa sistema.

***

Salamat pala at natapos na rin ang isang semestre ng buhay-UPian (Iskolar ng Bayan) ko. Ang semestreng ito ay napa-significant sa buhay ko dahil maraming nangyari at sa panahong ito naramdaman ko talaga ang pagiging isang tunay na Iskolar ng Bayan. Sa ating pakikibaka laban sa mga diktador at pasista Sa bayan, sa Pamantasan at sa UP Cebu College, padayon po tayo! Hanggang sa susunod na semestre at academic year!

Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayang lumalaban!

♫ Mabuhay ang Pag-asa ng Bayan! ♫

SERVE THE PEOPLE!

GOD BLESS!

Advertisements

Author: pchan_august

Juris Doctor (Law) Student. Iskolar ng Bayan. Activist. Environmentalist. Frustrated Singer, Poet and Writer. Computer Enthusiast. Servant of the Masses. God's Servant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s