Random Thoughts

Anything under the sun

Academic Honor and Social Responsibility

Leave a comment


“Scholastic honor and prestige are just transient; with it, you can be remembered for now or tomorrow but not forever. Now, compare these to your contributions for genuine change.” (Lora, 2011)

 

Maaga akong nagising dahil sa kasasabik na makita na ang grado ng isang asignaturang tanging hinihintay namin para makumpleto na yung listahan ng aming grado. Sa parte ko, kinakailangang 1.25 ang grado ko sa asignaturang ito para makapasok muli sa listahan ng College Scholars.

Pero ayun, pagkabukas ko’y 0.02 lang ang kulang upang makatuntong muli ako sa entablado. Nasabi ko agad sa sarili na okay lang dahil hindi ko rin naman ito hiningi sa simula ng semestre; ipinalangin ko lamang ang makapasa dahil inaamin kong mas matinding bagyo talaga ‘tong semestreng ito. Doon na lamang ako nakakita nang liwanag dalawang araw ang nakaraan nang 1.5 yung partial GWA ko.

Agad namang humusga si Nanay na ito raw ay dahilan sa kaka-rally ko. Sumagot naman ako agad na hindi ko kailanman pinagsisihan ang pag-sali ko sa mga kilos-protesta at higit sa lahat, and pagiging aktibista ko. Paliwanag ko sa kanya na kung i-aanalyze natin, doon lamang ako nasabit sa dalawang asignaturang may Math. Kahit Best in Math ako pagka-gradweyt ko sa high school ay di ko talaga gusto ang Math. Yung ibang asignatura naman ay panay 1.25-1.75 ang grado ko.

Sa katunayan din ay sinabihan ko na ang sarili pagka-gradweyt ko sa high school na sa kolehiyo’y papaghingahin ko na sarili ko mula sa ‘acads’. Tama na ‘yung 16 na medalya’t mahigit kumulang 5 sertipiko at dalawang beses na pagkaka-ospital dahil sa stress.

Datapwat, nang makatuntong na ako sa kolehiyo, napagtanto kong iba talaga ang kolehiyo kaysa hayskul. It’s more than high school in the sense that it’s more than the achievements and the fun. Though in college the fun is still there but it’s more of preparing ourselves for the real world, the real society. This preparation includes studying not just the subjects of the course we are taking that has already become our routine but also studying the society and all of its aspects. Furthermore, it also includes the application of what we have studied which comprises of Arousing (Educating) other people, Organizing and Mobilizing ourselves to address social issues, from local to national level.

 

In other words, high school, as what have the society has set, is about self-achievements, self-enjoyment, and self-satisfaction but college is more than what we can do to please ourselves. It is training ourselves what we can do for the society where we belong. As a fact of life goes, “we need to move on, we need to level up“.

 

Muli, hindi ko pinagsisihan at hinding-hindi ko pagsisisihan ang pagsali ko sa mga kilos-protesta at sa mga non-academic and societal activities. Sa halip ay fulfilled ako dahil naging parte ako ng kasaysayan at ng mga taong hindi sumuko hanggang sa nadagdagan ng higit 400 milyon ang badyet para sa edukasyon, hanggang sa ipinagpatuloy ang operasyon ng UP Cebu High School at hanggang sa mapatalsik ang diktador na si Dean Avila at kanyang mga alagad. Ang mga ito ay hindi sana mangyayari kung hindi tumindig, lumabas sa klase, nagkilos-protesta at lumaban ang mga kabataan kasama ang iba’t-ibang sektor ng lipunan.

 

Nitong Lunes, pagkauwi ko rito sa probinsya, saway ni Nanay ang bumati sa akin. Siyempre, kahit nagpaliwanag ako’y di pa rin niya ako maintindihan. Naiintindihan ko naman ang pag-aalala dahil siya’y isang magulang. Subalit, di ako susukong ipaintindi sa kanya na ako’y hindi lamang pagmamay-ari ng aming pamilya. Pag-mamay-ari ako ng Diyos at ako’y naniniwalang Plano ng Maykapal na isilang ako upang madagdag sa hanay ng mga taong ipinadala rin niya upang i-ahon ang naghihingalong Inang Bayan.

 

Sa panapos ng aming diskusyon, winika ko, “Hayaan niyo Nay, ga-gradweyt ako on time, perhaps with laude, at higit sa lahat, PROUD NA AKTIBISTA.”

 

 

Tuloy ang laban, para sa bayan at sa kinabukasan!

Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan at kabataang lumalaban!

SERVE THE PEOPLE!

Padayon!

GOD BLESS!

Advertisements

Author: pchan_august

Juris Doctor (Law) Student. Iskolar ng Bayan. Activist. Environmentalist. Frustrated Singer, Poet and Writer. Computer Enthusiast. Servant of the Masses. God's Servant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s