Random Thoughts

Anything under the sun

Ayoko na. Pagod na ako…

Leave a comment


Ayoko na. Pagod na ako. Pagod na akong ipaglaban ang aming mga karapatan, ang aming kalayaan, ang kapakanan ng lahat maging ng mga susunod na henerasyon, at ang demokrasya sa Pamantasan.

 

Halos sampung buwan na nang sinimulan namin ang kilusan sa pagpapatalsik sa aming dekano (dean), kasama na ang dalawa niyang panyero, na ang pamamalakad sa Kolehiyo’y hindi demokratiko. Sunud-sunod ang mga protesta nang mga araw na iyon na niahukan ng halos 300-600 na mga mag-aaral, guro’t kawani. Ibinuhos ko ang aking lakas at oras sa kilusan kahit malapit na ang finals week; ganito rin ang ibang mga kapwa ko estudyante. Ang ilan naman sa aming mga kasamang guro at kawani ay kinasuhan ng libel. Ngunit, ipinagpatuloy pa rin namin ang laban para sa kapakanan ng lahat hanggang sa umalingawngaw ang aming nagkaisang boses sa ibang UP units maging sa midya hanggang sa umabot sa opisina ng Presidente ng Pamantasan. Pinaimbestiga at matapos ang limang buwang paghihintay ay napatunayang may sala sa mga kasong aming idinemanda laban sa kanila, gamit ang aming mga matitibay at makatotohanang ebidensya. Dahil nito’y sila’y pinatawan ng “dismissal”.

 

 

 

Simula nang ma-suspend at madismiss sila’y halos bumalik na ang katiwasayan at kapayapaan ng Kolehiyo. Ang pansamantalang administrasyon ay mas “consultative” kumpara sa administrasyong napatalsik. Halos naibalik na ang “student representation” na minsang tinanggal ng napatalsik na dekano mula sa “local policy-making body/committee”. Halos masaya na muli ang mga guro, mag-aaral at kawani pagkatapos ng pitong taong despotismo. Halos malaya na ang lahat. Kumbaga, “it has been more fun in UP Cebu without Avila, Sharif and Pineda.”

 

 

Subalit, hindi pa pala tapos ang laban. Bago mag-isang buwan mula nang sila’y napatawan ng “dismissal” ay humabol sila upang maipasa ang kanilang apela sa Board of Regents (highest policy-making body in the whole UP system). Nanganganib muling mamatay ang demokrasya sa Kolehiyo. Ang kapayapaa’t katiwasayang tinatamasa namin ngayon ay maaaring mawala. Lumipas na ang tatlong pagpupulong ng BOR pero wala pa ring desisyon at hindi pa naipananalo ang hustisya’t demokrasya. Kung kaya’t kailangan namin ulit tumindig at lumaban.

 

Ngunit nang naglunsad muli kami ng pagkilos, kaunti na lamang ang nanatili. Halos magka-paos na kami sa paghihikayat sa kanila’y kaunti lamang ang lumahok. Nasaan na sila? Nasaan na silang nakikinabang sa tagumpay ng aming mga kolektibong pagkilos? Bakit ngayon pa sila hihinto na malapit nang marating ang tuktok ng pagwawagi?

 

Pagod na pagod na talaga ako.

 

Pero sa katunayan, puwede rin naman akong huminto’t magpatuloy sa aking buhaymag-aral nang mabuti para muling maging Honorific Scholar, magparty, mag-movie marathon, maglaro ng Tetris, mag-Facebook at mag-Twitter at maghanap ng magiging karelasyon pagkatapos ng 3 taong pagiging single. Bakit ko pa sasayangin ang aking pinakakaingatang boses sa kanila na parang ayaw nang makinig at umintindi? Bakit ko pa sasayangin ang aking lakas at oras para sa kanila na ayaw na sigurong lumaban? Bakit ko pa sasayangin ang aking talino’t husay na puwede ko namang igugol na lamang sa pag-aaral para mapanatili ang aking pangalan sa Honor Roll at makapagtapos ng Cum Laude?

 

Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang huminto. Hindi ko kayang tiising makita ang maaaring paghihirap ng aking mga kapwa estudyante, guro at kawani kung sakaling makakababalik ang aming dekano at ang kanyang mga kasama. Hindi ko kayang sayangin ang mga pagsasakripisyo naming lahat para sa ikakapanalo ng pakikibakang ito – ang pagod, hirap, tiis, pawis, dugo, boses at mga panganib sa grado, trabaho at buhay. Maaaring magkakagulo nang lalo sa Kolehiyo at hinding-hindi ko kakayanin ang maaaring maging laging paalala ng aking konsensya — na ang Kolehiyo’y muling naghihirap dahil ako’y huminto sa pagkilos at inuna na lamang ang aking mga pansariling interes. Na ang Kolehiyo’y naghihirap dahil sa aking pagkamakasarili. Na ang Kolehiyo’y muling naghihirap nang dahil sa akin.

 

 

Datapuwa’t hindi ko ito pahihintulutang mangyari. Titindig ako mula sa kapaguran. Itataas ko muli ang aking kamao’t susulong hanggang sa pagtatagumpay at ganap na kalayaan. Pero [panalangin ko na] sana’y damayan muli ako ng mga kapwa ko Iskolar ng Bayan, ng mga guro at kawani sapagkat sila ang pagmumulan ng aking lakas. At kung pagsama-samahin muli namin ang aming mga lakas ay wawasakin nito nang tuluyan ang kadenang nakagapos pa rin sa aming lahat. Magwawagi muli ang katotohanan at hustisya at maibabalik na nang tuluyan ang demokrasya.

 

Wala nang urungan ito. Tatapusin at tatapusin namin ito hanggang sa kahuli-hulihan. At the end of the day, masarap bigkasin ang mga katagang “tunay ngang UP [Cebu] and its constituents are worth fighting for“.

 

 

Samahan niyo akong kalampagin ang BOR!

Join the January 24 Massive Protest!

Ipakita nating ayaw na nating makabalik pa sina Avila!

TOTALLY BRING BACK DEMOCRACY in UP CEBU!

ONWARDS TO GENUINE AUTONOMY FOR GENUINE PROGRESS THROUGH DEMOCRATIC GOVERNANCE!

END IMPUNITY IN UP!

BOR, UPHOLD ADT’s DECISION!

OUST AVILA, SHARIF and PINEDA!

Mga Guro, Kawani at Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy ang laban!

 

Advertisements

Author: pchan_august

Juris Doctor (Law) Student. Iskolar ng Bayan. Activist. Environmentalist. Frustrated Singer, Poet and Writer. Computer Enthusiast. Servant of the Masses. God's Servant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s