Random Thoughts

Anything under the sun

Solidarity Message to Metro Cebu Water District (MCWD) Employees’ Union and the Public

Leave a comment


My solidarity message, as a representative of the UP Cebu Student Council, to the MCWD Employees’ Union and the public during the protest and whistle-barrage against ADB Loan and union repression yesterday, February 1, 2012. This was delivered in Bisaya-English but I transcribed it in Filipino-English for the people outside Cebu to understand. Meanwhile, primer on the issue will be released soon.

Isang taas-kamaong pagpupugay sa ating lahat, lalung-lalo na sa MCWD (Metro Cebu Water District) Employees’ Union, na walang-takot na naninindigan para sa karapatan ng taumbayan.

Ang sektor ng edukasyon ay suki na ng mga pagbabanta ng komersalisasyon at privatization gaya ng pagbabanta ng privatization ngayon sa MCWD, at may ilang pagbabanta na natuloy talaga. Kung kaya’t makikita natin na ang mga suliranin at pakikibaka ng mga estudyante’t kabataan ay hindi hiwalay sa mga suliranin at pakikibaka ng ibang sektor sa lipunan. Sapagka’t ang ating mga suliranin ay iisa lamang ang pinag-uugatan. Ito ay ang neo-liberal framework at policies ng gubyerno bunsod ng kapitalistang sistema. And this is concretized by the PPP or the Public-Private Partnership scheme of the PNoy Aquino administration which we have been opposing due to its effects to the masses.

Sa eskemang ito, unti-unting pinababayaan ng estado ang kanyang obligasyon sa kanyang constituents na makapagbigay ng accessible basic social services o batayang serbisyo gaya ng edukasyon, patubig, kuryente at iba pa. At ito’y makikita sa taunang paglalalaslas ng gubyerno sa badyet nito para sa mga batayang serbisyo. Samantala’y tayo’y pinapapasa ng gubyerno sa kamay ng mga pribadong institusyon habang todong-todo ang pagtataas ng badyet ng gubyerno sa militarisasyon, pagbabayad ng utang-panlabas at pork barrel.

At kung bakasin natin ang kasaysayan, if private institutions like ADB (Asian Development Bank), WB (World Bank), IMF (Int’l Monetary Fund) at iba pang mga lokal na private institution get into the picture, ang karaniwang epekto ay ang pagtaas ng presyo ng mga serbisyo at ang matuwid na landas na ito ay wala nang ibang patutunguhan pa kundi sa privatization gaya ng nangyari sa MWSS (Metropolitan Water Sewerage System) sa Maynila.

Kung kaya’t inyo pong maaasahan ang aming suporta mula sa sektor ng mga estudyante’t kabataan sapagka’t kami po ay naniniwala na ang suliraning ito ay hindi lamang alintana (concern) ng MCWD Employees’ Union at naming mga estudyante kundi ito ay alintana ng lahat ng mga konsumidor at ng taumbayan.

Water is a basic human right!

NO to ADB Loan!

NO to privatization!

Fight for Greater State Subsidy to Basic Social Services!

Padayon po tayo sa pakikipaglaban para sa karapatan ng bawat mamamayan!

 

In the service of the Filipino people,

Kristian Jacob Abad Lora

Vice-chairperson, UP Cebu Student Council

Advertisements

Author: pchan_august

Juris Doctor (Law) Graduate. Iskolar ng Bayan. Activist. Environmentalist. Frustrated Singer, Poet and Writer. Computer Enthusiast. Servant of the Masses. God's Servant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s