Random Thoughts

Anything under the sun

Magra-rally pa ba kayo?

Leave a comment


Renato Reyes, Jr.: “Samantala, may isang bagay din na dapat nating bantayan. Ito yung pang-iintriga at panghahati. May mga Dilawan na kontra kay Duterte na ang nais ay udyukan ang Kaliwa na mag-rally para sa kanila. Ngayon pa lang, gusto na nilang ipambala sa kanyon at isubo sa labanan ang Kaliwa habang sila ay manonood lang at nakaabang sa Twitter. Ayos din, ano?

Huwag tayong magpadala sa ganitong pang-uudyok na kunwari ay prinsipyado pero ang totoo’y nang-uupat lang. Buti sana kung nag-rally sila laban sa lahat ng kabalbalan ni Aquino, may ascendancy silang maningil. Eh sa anim na taon ni Noynoy, ni hindi ko sila nakitang mag-rally habang pinapatay ang mga Lumad at mga magsasaka sa Mindanao.

Anyways, so ganun na nga. Madami tayong gagawin. Pagtulungan nating maisulong ang mga adhikaing makabayan at progresibo, sa loob man o labas ng gobyerno. Wala sa kamay ng isang tao ang pagbabago. Kalahok dito ang buong sambayanan. Magkikita-kita pa rin tayo, sa kalsada at kung saan-saan pa.”

 

From: https://natoreyes.wordpress.com/2016/06/01/magra-rally-pa-ba-kayo

like a rolling stone

cropped-img_3701.jpg

Ilang beses kong nabasa ang tanong na ito matapos i-anunsyo ang pagkakatalaga ng ilang mga progresibo sa susunod na Duterte administration. Dalawa sa mga progresibo ang hahawak sa DAR at DSWD. Tinuturing na mga progresibo din ang hahawak ng DOLE at DepEd.

Sa ganitong kalagayan, magra-rally pa ba ang Kaliwa?

Maikling sagot, OO naman. Marami pang problema ang mangangailangan ng sama-samang pagkilos. Hindi naman nalutas ang lahat ng problema ng bansa dahil lamang may bagong gobyerno. At hindi naman ang pag-upo sa gabinete ang katapusan ng ating gawain. Hindi cabinet appointment, kundi panlipunang pagbabago, ang ipinaglalaban natin.

Pero kung ang tanong ay “magra-rally na ba kayo laban kay Duterte?”, ang sagot diyan ay “hindi pa sa kagyat, wala pang dahilan”. Hindi dahil sangayon tayo sa lahat ng kanyang pahayag at lahat ng kanyang appointments. May pagkakaiba pa rin sa pananaw. Pero ang mga pagkakaiba ng pagtingin ay sisikapin idaan sa pag-uusap…

View original post 470 more words

Advertisements

Author: pchan_august

Juris Doctor (Law) Graduate. Iskolar ng Bayan. Activist. Environmentalist. Frustrated Singer, Poet and Writer. Computer Enthusiast. Servant of the Masses. God's Servant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s